2 remnants ng ‘Sanaya group’, arestado
MANILA, Philippines - Tatlo ang sugatan, kaÂbilang ang isang pulis, isang miyembro umano ng notorÂyus na ‘Sanaya robbery gang’ at isang sibilyan nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga ito sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nakapiit naman sa Manila Police District-Station 2 ang suspek na si Edward Pamiruyan, 31, residente ng Gate 15 Parola Compound, sa Tondo habang ang isa pang suspek na si Marvin Mendano, 21, ay sinasabing malubha ang kalagaÂyan sa pagamutan dahil sa tinamong bala sa katawan.
Kasalukuyang ginagamot din sa Chinese GeÂneÂral Hospital si PO1 Anthony QuiÂlantang ng MPD-station 2, Delpan. Nilalapatan din ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos tamaan ng bala ang isang William Buco Adornado na sinasabing volunteer aide.
Sa ulat ni P/Sr. Insp. John Guiagui, commander ng DelÂÂpan PCP rumesponde umano sila nang makatangÂgap ng tawag sa telepono dakong alas-6:00 ng gabi kamakalawa na may mga armadong lalaki na guÂÂmaÂgala sa Parola Compound.
Tinungo ng grupo ni GuiaÂÂgui ang lugar at habang paparating ay sinalubong na umano sila ng mga putok hanggang sa maÂpilitan silang gumanti.
Nabatid na ang dalawa ay miyembro ng grupong Sanaya, na ang lider umaÂnong si Norvie Sandag ay naaresto kamakailan.
Umamin naman si PaÂmiruyan na nakulong na siya sa robbery case.
- Latest