MANILA, Philippines - Isinisi ng libong mga motorista sa kawalan ng plaka ng Land Transportation Office (LTO) para sa mga sasakyan partikular ng mga motorsiklo ang dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng kaso na kinasasangkutan ng riding-in-tandem sa bansa partikular sa Metro Manila.
Anila, nagkakaroon ng lakas ng loob ang riding-in-tandem na gumawa ng krimen dahil wala namang plaka ang kanilang sasakyan kayat hindi masisino ng mga tao ang may -ari nito o ang nasa likod ng naturang krimen.
Ayon sa rekord ng LTO, na sa kasalukuyan aabot na sa isang milyon ang bilang ng mga motorsiklo sa buong bansa.
Patuloy pa rin umano ang pagdami nito dahil sa halagang P3,500 lamang ay magkakaroon ka na ngayon ng naturang sasakyan.
Dapat anilang ihinto ng mga motorcycle dealers ang pagbebenta ng motorsiklo hanggat walang plaka ang LTO upang hindi dumami ang bilang ng naturang saÂsakyan na nagagamit lamang sa ibat- ibang krimen tulad ng kidnapping, ambush case at panghoholdap.
Kaugnay nito, sinabi ni LTO Chief Alfonso Tan na makabubuti na huwag munang irehistro ang alinmang uri ng sasakyan tulad ng kotse, motorsiklo, trak at iba pa kung wala namang maipagkakaloob na motor vehicle plates sa mga ito upang mawakasan na ng mga sindikato sa paggamit ng mga sasakyan na walang plaka nationwide.