MANILA, Philippines - Dahil sa pagtakas sa humahabol sa kanya, isang 31-anyos na truck driver na tumalon sa Manila Bay sa kaÂbila na hindi ito marunong lumangoy ang natagpuang patay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Hinihinalang apat na araw ng patay ang biktimang si Arnel Callada, ng MB Freight Trucking at residente ng C.P. Garcia St., Tondo.
Sa report ni SPO1 Richard Limuco ng MPD-homicide section, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubreng patay ang bikÂtima sa seawall ng Manila International Container Terminal (MICT) sa Del Pan St., Parola, Tondo.
Ayon kay Jenalyn Sotero, 21, live-in partner ng biktima, huli siyang tinawagan ng biktima noong Enero 18 alas-9 ng umaga kung saan ipinaÂalam sa kanya na nasiraan ang kanyang minamanehong truck kaya kinakailangang niyang bumalik sa MICT. Simula noon ay wala na silang balita.
Dahil sa ilang araw nang hindi umuuwi ang asawa, nagtungo sina Jenalyn at biyenan nito sa Bgy 201 Zone 2 at sa tulong ni Bgy. Tanod Isidro Olaguer, nalaman nila na may isang lalaking natagpuang nakalutang sa seawall ng MICT hanggang sa nakumpirma nilang ang asawa nito ang naÂtagÂpuang patay.
Nalaman din ni Jenalyn na bago tumalon ang biktima ay hinahabol umano ito ng mga kalalakihan kaya paniwala nila na upang makaiwas ay tumalon na lamang ito sa tubig sa kabila na hindi umano ito marunong lumangoy.