^

Metro

Bus hinoldap, mga pasahero pumalag

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bus na may lulang 15 pasahero ang hinoldap ng tatlong suspek na armado ng baril at patalim sa may southbound lane ng EDSA sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police DistrictStation 10, ang hinoldap na bus ay ang MacArthur Express bus (UVL-292) na biyaheng Malanday-Alabang.

Ayon kay SPO1 Jose Soriano, may-hawak ng kaso, tatlong suspek na armado ng baril at patalim ang nangholdap at tumangay ng mga gamit at pera ng mga pasahero.

Nangyari ang insidente ganap na alas-5 ng madaling-araw habang minamaneho ng isang Cesar Francisco ang naturang bus kasama ang kundoktor na si Aldrin Anillo.

Diumano, nakihalo ang tatlong suspek na pawang nasa edad na 30 at nakasuot lamang­ ng sando sa mga pasahero, habang tinatahak ng bus ang kahabaan ng EDSA southbound.

Pagsapit sa may GMA, MRT station sa may Brgy. South Triangle ay biglang tumayo ang mga suspek at nagbunot ng kanilang armas saka nagdeklara ng holdap.

Nang maisakatuparan ng mga suspek ang pakay ay saka nagsipagbabaan ang mga ito at nagsipagtakas.

Kuwento naman ng mga biktima, isa sa kapwa nila pasahero ang nanlaban sa mga suspek, hanggang sa sumunod na din ang iba pa nilang kapwa pasahero.

Dahil dito, nataranta ang mga suspek at nahinto ang paglimas sa mga gamit ng iba pang pasahero at saka nagsitakas.

Pero ang ipinagtataka umano ng mga pasahero ay kung bakit walang ginawa ang kundoktor at driver ng bus, kahit sinabihan­ nila itong isara ang pinto para hindi na ma­ka­takas ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa cellphone ng driver, wala nang laman ang inbox nito at sent items kung kaya pinagdudahan ito na kasabwat.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente hingil sa isyu ng mga pasahero laban sa driver at kundoktor.

ALDRIN ANILLO

AYON

CESAR FRANCISCO

JOSE SORIANO

PASAHERO

QUEZON CITY POLICE

SOUTH TRIANGLE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with