^

Metro

Naaktuhang naghuhukay papunta sa target na pawnshop 8 miyembro ng acetylene, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng awtoridad ang walong miyembro ng kilabot na acetylene gang  kabilang ang isang babae matapos na maak­tuhang naghuhukay ng tunnel patungo sa target nilang pawnshop sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Quezon City Police District director Chief Supt. Richard Albano ang mga suspek na sina Cecile Ibanez, 26; Ortiz­ Latungan, 48; Eric Secyang, 45; Arthur Bino, 26; Laurence Duyao, 38; Tarex Tayaban, 27; Ruben Sebnangen, 34; at Elmo Bustarde, 35; pawang mga minero na tubong Mount Province at La Trinidad sa Benguet.

Ayon kay Albano, ang mga suspek ay bihasa sa pagmimina sa kanilang lugar at sanay na maghukay sa lupa dahil sa pag­hahanap ng ginto. Ang ganitong kaalaman at kakayahan ng mga suspect ang ginamit sa panloloob sa mga sanglaan sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa pamamagitan ng paggawa ng tunnel patungo sa kanilang target.

Ang mga suspect ay nadakip matapos ang dalawang linggong surveillance.

Sa ulat ni PO3 Eric Isidro, nadakip ang grupo sa loob ng isang paupahang apartment sa Villongco St., Brgy. Commonwealth ganap na alas-12:15 ng madaling-araw.

Bago ito, isa sa mga kasamahan ng grupo ang naaresto ng mga awtoridad sa Pasay City kung saan ikinanta nito ang planong pagnanakaw ng kasamahan sa Quezon City.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad sa naturang lugar. Makalipas ang dalawang linggong pagmanman sa kahabaan ng Villongco St., naispatan ng mga tropa ang isa sa mga suspek na naglalakad sa naturang kalye.

Sikretong sinundan ng mga operatiba ang naturang suspek hanggang sa pumasok sa inuupahan nitong kuwarto. Mula sa labas ay natanaw ng mga operatiba ang mga nakahilerang mga sako ng lupa hanggang sa makita din ang isang hukay sa loob.

Sa puntong ito, agad na nilusob ng tropa ang unit kung saan nasakote ang mga suspek at madiskubre ang isang malalim na hukay patungo sa katabing pawnshop na Ochoa Realica na pag-aari ng negosyanteng si Vincent Realica.

Samantala, ang naturang apartment ay inupahan kay Jenny Alvior, 42, noong Nov. 21 ng isa umanong engineer na nagpakilalang alyas Elmo.

Ayon kay Alvior, hindi umano niya alam na magnanakaw ang mga ito at miyembro ng nasabing grupo dahil nakiusap umano ang nasabing engineer na dalawang tao lamang anya ang titira dito, hanggang sa dumami na sila.

Narekober ng awtoridad sa lugar ang isang granada, isang hydraulic jack, dalawang hand drill, dalawang crobar, isang head lamp, isang gasul na may burner, isang portable electric fan; at isang lampara.

Inaalam pa ng QCPD kung may iba pang kasong kinaka­sangkutan ang nasabing mga suspek.

vuukle comment

ARTHUR BINO

AYON

CECILE IBANEZ

CHIEF SUPT

ELMO BUSTARDE

ERIC ISIDRO

ISANG

VILLONGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with