NAT itinakda ng DepEd sa Marso

MANILA, Philippines - Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Marso ang pagdaraos ng 2013-2014 National Achievement Test (NAT) para sa piling antas sa elementary at  high school students sa public at private schools sa buong bansa.

Bukod sa NAT ay isasagawa rin ang Test of English Proficiency for Teachers (TEPT), at ang Process Skills Test (PST) sa Science at Mathematics.

Ang DepEd, sa pamamagitan ng National Education Testing and Research Center (NETRC), ang mag-a-administer ng NAT sa buong bansa sa Marso 5, 2014 para sa fourth year high school students sa lahat ng public at private schools.

Sa Marso 11 naman idaraos ang NAT para sa Grade 3 pupils at Madrasah schools; at sa Marso 13 naman para sa Grade 6 pupils ng public at private elementary schools.

Ipinaalala naman ni Education Sec. Armin Luistro na tanging private elementary at secondary schools na may permit to operate mula sa DepEd ang kasali sa idaraos na pagsusulit.

Ang mga kumukuha naman ng klase sa behavioral programs at home study programs; private schools na gumagamit ng American Standard Curriculum; at foreign students na “newly-enrolled” ay exempted sa test.

Exempted rin sa pagkuha ng NAT ang mga estudyanteng may intellectual disability at visual impairment; irregular students na may back subjects; at mga estudyanteng may night classes.

 

Show comments