^

Metro

Professor inireklamo ng pananakit ng 4th year student

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong criminal ang isang propesor dahil sa sinasabing pananakit sa isang 4th year student ng Technological Uni­versity of the Philippines o TUP.

Ayon kay PO1 Edith Cha­vez ng MPD Women’s and Children’s Desk na mga ka­song grave threat, physical injury at paglabag sa Re­public Act 9262 o anti vio­lence against children and women ang kinakaharap sa piskalya ng Maynila ni Michael Villadolid, 25, professor ng  Art Education sa TUP Manila.

Batay sa imbestigasyon,  alas-3:00 ng hapon Enero 13, pinapunta umano ni Villa­dolid sa Araullo High School sa United Nations Avenue, Manila ang biktimang si Danna Castillo, 20, 4th year computer engineering student sa  TUP at umano ay girlfriend ng suspek.

Gayunman, sa hindi ma­lamang dahilan ay nagtalo umano ang dalawa hanggang sa saktan ng suspek ang bik­tima na agad na naghain ng reklamo sa pulisya.

Nabatid rin na tinangkang kunin ng mga awtoridad ang panig ng propesor ngunit umano ay hindi na ito makita.

Ang nasabing reklamo ay sinampa na sa prosecutor’s office ng Lungsod ng Maynila.

 

ARAULLO HIGH SCHOOL

ART EDUCATION

DANNA CASTILLO

EDITH CHA

MAYNILA

MICHAEL VILLADOLID

SHY

TECHNOLOGICAL UNI

UNITED NATIONS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with