Shabu lab sa Taguig nilusob ng NBI; 2 tiklo

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang Filipino-Canadian na tulak ng droga sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation sa Taguig City ngayong Miyerkules.

Sinugod ng NBI-Anti-Illegal Drugs Task Force ang ikatlong palapag ng The Luxe Residences sa panulukan ng 28th Street at 4th Avenue sa Bonifacio Global City, Taguig.

Hinala ng mga awtoridad ay inuupahan ng Canadian-Mexican-Iranian drug cartel ang  condominium unit.

Nasabat sa kuwartong ginawa ring drug laboratory ang iba't ibang klase ng droga tulad ng ecstacy, shabu at coccaine.

Kabilang ang dalawang nadakip sa malaking grupo ng drug cartel na mayroong operasyon sa Greece, Amerika, Australia at Asya.

Show comments