11 arestado sa Cyber sex den

MANILA, Philippines - Umabot sa 11 katao ang nadakip sa isinagawang pag­salakay sa isang Cyber sex den sa Caloocan City kahapon.

Kasamang dinala sa pre­­sinto ang sinasabing maintainer na si Nia Serrano, 27, ng St. Ignatius St., Barracks 2, Tala ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis ng Caloocan City,  na ginagawang Cyber sex den ang isang bahay ni Serrano sa nasabing lugar na naging dahilan upang salakayin ito alas-12:30 ng madaling araw.

Naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na nagsasagawa ng mga kalaswaan sa harap ng computer kapalit ng pera na naging dahilan upang dakpin ang mga ito kasama ang mga ginagamit na mga computer.

Nakatakdang sampa­han ng mga kaukulang kaso ang nadakip na mga suspek.

Show comments