Tanod namaril: 1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Isang binata ang patay habang sugatan naman ang isa pang kaibigan nito, makaraang pagbabarilin ng sumpak ng isang laÂsing na barangay tanod ilang sandali matapos ang kanilang inuman sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Si Jet Siazon, 27, ay hindi na umabot pang buhay sa ospital habang ang kaibigan nitong si Jerome Gonzales, 24, ay nakaratay dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang braso.
Ang suspek na nakilala sa pangalang si Eugenio Gato III, ay mabilis namang tumakas at ngayon ay pinaghahanap na ng awtoridad.
Nangyari ang insidente sa harap ng kanilang tinutuluyan sa Dakila St., Brgy. Batasan hills, ganap na alas-2:30 ng madaling-araw.
Ayon kay PO2 Louie Serbito, bago ang insiÂdente, si Siazon at Gato ay pansamantalang nanunuluyan sa biktimang si Gonzales.
Sabi ni Serbito, may dati na umanong alitan sina Siazon at si Gato at umusbong ito nang magtalo sila sa inuman.
Naging mainit ang pagÂtatalo, hanggang sa magpasya sina Siazon at Gonzales na tumayo at pumasok sa loob ng bahay para matulog.
Subalit, walang kaÂabog-abog ay bigla na lamang binaril ni Gato ang mga biktima, saka mabilis na tumakas.
Matapos ang pamaÂmaril ay agad na sumibat palayo ang suspek, habang itinakbo naman ng kanyang mga kaibigan sa hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Siazon, dahil sa tama ng mga bala sa dibdib.
Si Gonzales naman matapos malapatan ng paunang lunas ay inilipat naman sa FEU-Medical center kung saan ito paÂtuloy na ginagamot.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.
- Latest