Basura tututukan ng MMDA
MANILA, Philippines - Inaasahang malaking probÂlema na naman ang kakahaÂrapin ng mga tauhan ng MeÂtropolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) sa tone-toneladang basura na maiiwan sa prusisyon ng Itim na Nazareno.
Dahil dito, nanawagan si MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office, Director Amante Salvador sa mga vendors na magtitinda kasabay ng prusisyon na tumulong sa paglilinis ng kanilang kalat lalo na ang kalat ng kanilang mga paninda.
Nabatid na bukod sa dumi sa kalsada, marami rin sa mga kalat tulad ng stick ng bananacue o barbecue o bottled water ang nagdudulot ng pinsala sa mga debotong nakakatapak nito lalo na ang mga nakayapak lamang.
Samantala, nakiisa rin ang Ecowaste Coalition sa panawagan laban sa pagkakalat.
Ito rin ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa panawagan nito laban sa pagkakalat at sinabihan ang taumbayan na hindi nila baÂsurahan ang buong siyudad ng Maynila at huwag maging mayabang.
Sa datos buhat sa MMDA, lumikha ng 32 trak o 192 toneladang basura ang 18 oras na prusisyon noong nakaraang 2013 na dinaÂluyan ng nasa 9 milyong katao, deboto at usyuseroÂ.
Tinawag ng grupo na “buttman†ang mga nagtatapon ng upos ng sigarilyo, “Flashtic†ang gumagamit ng mga plastic bags, “Greedy†ang mga masisiba sa pagkain; at “Supermess†ang sadyang mahihilig lang magkalat.
- Latest