^

Metro

3 dinedo dahil sa metro ng tubig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalabas sa imbestigasyon na ang ginawang pagputol sa metro ng tubig ang ugat ng pamamaril ng retiradong sundalo na ikinamatay ng tatlong kawani ng water utility service, kamakalawa sa Taguig City.

 Nakilala ang mga napatay na sina Tyrol Mortos, Enrique Goco, at Ronald Mabonga na pawang kawani ng Inner Port Water Distributor.

Tugis naman ng pulisya  ang suspek na si Diosdado Baltan, retiradong Philippine Army at nakatira sa Palar (Philippine Light Armor Regiment) Village sa Brgy. Pinagsama.

Sa follow-up investigation, tinangkang putulan ng mga biktima ang koneksyon ng tubig ng ilang residente dahil sa hindi pagbabayad ng kanilang water bills.

Kinompronta ng mga galit na residente kabilang si Baltan ang tatlo hanggang sa magkainitan kung saan niratrat naman ni Baltan.

Walong residente naman ang unang dinampot ng pulisya ngunit pinalaya na rin ang anim sa mga ito matapos isailalim sa pagtatanong habang dalawa ang patuloy na iniimbestigahan.

BALTAN

BRGY

DIOSDADO BALTAN

ENRIQUE GOCO

INNER PORT WATER DISTRIBUTOR

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE LIGHT ARMOR REGIMENT

RONALD MABONGA

TAGUIG CITY

TYROL MORTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with