^

Metro

Seguridad sa vital installations tiniyak ng MPD ngayong Rizal Day

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District (MPD) ang seguridad ngayong araw  sa mga vital installations kaugnay ng paggunita sa kamatayan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal at Rizal Day bombing.

Ayon sa pamunuan ng MPD, lahat ng mga personnel ay kanilang ipinalabas upang italaga sa  vital installations kabilang na ang Light Rail Transit (LRT), oil depot at mga mall sa lungsod.

Mayroon ding itatalaga sa mga patrol na tutulong sa augmentation ng mga tauhan ng Philippine National Police-National Capital Regional Police Office na lilibot sa buong lungsod upang   maiwasan ang anumang plano ng mga criminal na gumawa ng krimen.

Nabatid sa MPD na umaabot sa 200 tauhan ng  Regional Public Safety Batallion (RPSB) at 200 tauhan ng Regional Personnel Holding and Administrative Unit (RPHAU) ang ipinakalat bilang augmentation.

Maging ang seguridad sa palibot ng  Luneta kung saan pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang  pagdiriwang ngayong Rizal Day ay sapat upang maiwasan ang anumang  gulo.

Binigyan prayoridad din ng  MPD ang seguridad sa  LRT matapos na maganap ang madugong pagpapasabog sa tren noong Disyembre 30, 2000 kung  saan 22 ang namatay.

Aniya, hangad nila na wala ng karahasan na mangyari kung saan ang mga inosenteng sibilyan ang  nadadamay. 

Inihanda din ng MPD ang  6-hour basis para sa seguridad sa sitwasyon ng lungsod kung saan kadalasang kinukuha ng mga criminal ang pagkakataon na gumawa ng gulo kung saan abala ang  mga awto­ridad.

Subalit ayon sa MPD, tuluy-tuloy na ang kanilang surveillance at monitoring hanggang Bagong taon upang mabigyan ng sapat na seguridad ang publiko.

Ayon sa MPD, nais nilang maibalik sa publiko ang tiwala sa kanila kung kaya’t puspusan din ang kanilang ginagawang pagsugpo sa krimen at katiwa­lian.

 

AYON

GAT JOSE RIZAL

LIGHT RAIL TRANSIT

MANILA POLICE DISTRICT

MPD

PANGULONG NOYNOY AQUINO

RIZAL DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with