^

Metro

Negosyante patay sa 5 armado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang store owner ang nasawi matapos na pagbabarilin ng limang hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa harapan ng tahanan nito na ikinasugat din ng isang bystander sa Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Anthony Tejerero, ang nasawing biktima na si Rico Aranillo, 45, residente ng Agham Road, Brgy. Pagasa ng lungsod.

Sinabi ni Tejerero na si Aranillo ay idineklarang dead-on-arrival sa East Ave­nue Medical Center sa Quezon City matapos masapul ng mga tama ng bala sa nangyaring pamamaril dakong ala-1 ng madaling araw.

Nasugatan naman sa kanang hita ang bystander na si Gerry Comora, 36, naninirahan din sa lugar.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, sinabi ni Tejerero na limang suspect ang sangkot sa pamamaril sa biktima na mabilis na tumakas sakay ng kanilang getaway vehicle na isang Toyota Tamaraw FX at dalawang motorsiklo.

Bago ang insidente ay pumarada pa ang Tamaraw FX sa harapan ng Philippine Science High School saka bumaba ang mga sakay nito na tumawid sa kalye at kasunod nito ay pinagbabaril ang store owner na si Aranillo.

Nagkataon namang nanonood ng ‘cara  cruz’ sa lugar ang bystander na si Comora ng aksidente itong tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril ng mga suspect.

Ilang saglit pa matapos na makasigurong napuruhan ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect sakay ng kanilang mga behikulo . 

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

AGHAM ROAD

ANTHONY TEJERERO

ARANILLO

BAGONG PAGASA

BRGY

EAST AVE

GERRY COMORA

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with