Close-in security ng Manila councilor, dedo sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang security guard na nakatalaga sa bahay ni Manila City Councilor Nino dela Cruz, nang barilin ng isa sa riding-in-tandem, kahapon ng madaling-araw, sa Tondo, Maynila.
Ilang oras pang sinubukang isalba ang biktimang si Ronilo Misperos, 23, stay-in security sa bahay ni Dela Cruz, sa Zaragosa St., Tondo subalit binawian din ito ng buhay sa Ospital ng Maynila bandang alas-4:20 ng madaling araw.
Nangangalap pa ng impormasyon hinggil sa pagkiÂkilanlan ng mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.
Sa ulat ni SPO2 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng madaling araw sa harap ng Modest Bakery sa Zaragosa St., Tondo, kung saan sumaglit umano ang biktima sa tinderang si Julie Ann Bodollo na nobya umano nito.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang nakaÂmotorsiklong mga suspect at malapitang binaril sa ulo ang nakatalikod na biktima.
Mga tambay sa lugar na nakasaksi ang nagsugod sa biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit inilipat din ito sa Ospital ng Maynila.
Hindi pa batid ang motibo sa krimen.
- Latest