^

Metro

Razal bagong hepe ng FSES-QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinalaga bilang hepe ng Quezon City-Fire Safety Enforcement Section (FSES) si Fire  Chief Inspector Antonio N. Razal, dating fire marshal ng Marikina at Antipolo City.

Sa Fire District order no. 2013- 06197 na lumabas nitong Disyembre 17, 2013, pinalitan ni Razal si Fire Sr. Inspector Garry Lunas na itinalaga naman bilang bilang Station 5 Commander.

Pormal namang pinatupad ni Quezon City District Fire Marshal Supt. Jesus P. Fernandez ang naturang balasahan sa kanyang nasasakupan at malaki ang tiwala nito kay Razal na magagampanan ng mahusay ang pinagkatiwalang posisyon.

Si Razal ay kabilang sa Patnubay Class –1995  ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nanungkulan bilang fire marshal ng Marikina simula 2003-2011 at naging fire marshal din ito sa Antipolo City noong 2011 hanggang  2012 bago ito napunta ng Quezon City Fire District.

Ayon kay Razal, isang malaking hamon ito sa kanyang kakayanan ang pinakabagong posisyon na pinagkatiwala sa kanya ni Fernandez bunsod na rin  sa lawak ng area ng lungsod at dami ng kompanya, establisimyento kabilang na ang  tanggapan ng gobyerno subalit naniniwala ito na kaya niyang gampanan ang kanyang posisyon dahil na rin sa lawak ng eksperensya na rin nito sa bureau.

Sa  kasalukuyan, nagsasagawa na sila ng inspek­syon sa mga malls at iba’t ibang establisimyento upang ipatupad ang safety measures at matapos nito ay kanyang namang susuyurin ang mga paaralan, hospital at istasyon ng mga bus.

Maliban sa inspeksyon, balak din ni Razal na pag-aralan ang pinatutupad ngayong fire col­lection fees na naglalayon na mapalawig pa ang koleksyon ng bureau sa lungsod ng Quezon.

 

ANTIPOLO CITY

CHIEF INSPECTOR ANTONIO N

FERNANDEZ

FIRE

FIRE SR. INSPECTOR GARRY LUNAS

JESUS P

PATNUBAY CLASS

RAZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with