^

Metro

Motorsiklo vs bisikleta: Lolo patay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki  ang nasawi  nang mahagip ng humaha­gibis na motorsiklo ang kanyang sinasakyang bisikleta kamakalawa ng umaga sa may Araneta Avenue sa lungsod Quezon. 

Sinabi ni SPO4 Raymundo Layug, alas-5 ng umaga  ng Sabado kahapon nang bawian ng buhay ang  matanda  habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital.

 Anya, ang biktima ay may edad  60 hanggang 70-anyos, nasa 5’5” ang taas, kayumanggi  at naka­suot ng puting t-shirt at short pants nang maaksidente.

Ayon sa pulisya, ang driver ng motorsiklo na isang Joey Reyes, 29, ay nasa kustodiya na ng pulisya at takdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Sinasabing may  iniwasang sasakyan ang motorsiklo kaya’t natumbok nitong mahagip ang matanda na noon ay nagbibisikleta sa nabanggit na lugar.

vuukle comment

ANYA

ARANETA AVENUE

AYON

ISANG

JOEY REYES

QUEZON

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RAYMUNDO LAYUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with