MM walang terror threat sa Pasko at Bagong Taon
MANILA, Philippines - Walang banta ng pag-atake ng teroristang grupo na namomonitor ang pulisya at militar kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
“We have not monitored any security threats with regards to the celebration of Xmas and New Year but regardless our intelligence monitoring were continuing “, pahayag ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Chief Major Gen. Eduardo Año.
Kasabay nito, tiniyak ni Año na walang dapat ipag-alala sa anumang banta sa seguridad at makakatulog ng mahimbing ang mamamayan sa Metro Manila.
Sinabi ng master spy ng AFP na wala ring monitoring ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist at maging ng mga bandidong Abu Sayyaf sa National Capital Region (NCR) na posibleng maglunsad ng pag-atake.
Sa kabila nito, ayon pa sa opisyal ay patuloy ang kanilang monitoring sa galaw ng mga teroristang grupo na maaring magsamantala sa okasyon.
Nang matanong naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Carmelo Valmoria, sinabi nito na wala silang monitoring ng mga terorista sa Metro Manila ngayong kapaskuhan.
Sa halip , ayon kay Valmoria ay mga elementong kriminal tulad ng mga kawatan na kadalasang nambibiktima ng mga shoppers ang banta sa seguridad ng mamamayan.
Una nang isinailalim ng NCRPO sa heightened alert status ang puwersa nito sa Metro Manila upang mabigyang proteksyon ang mga matataong lugar na karaniwan ng dinaragsa ng mga tao sa tuwing selebrasyon ng kapaskuhan.
Samantalang patuloy rin ang pinalakas na police visiÂbility patrol sa mga malls, shopping area, simbahan, LRT, MRT station, bus terminals, daungan at iba pa upang matiyak ang proteksiyon ng mamamayan.
- Latest