Obrero patay sa gumuhong pader

MANILA, Philippines - Isang obrero ang patay matapos na mabagsakan at madaganan ng kongkretong pader na kanyang ginigiba sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, nasawi  ang  biktimang  si  Danilo Bagasbas, ganap na alas 8:30 ng umaga sa may bahay ng isang Armado Endaya na matatagpuan sa Gen. Alejandro St., Brgy. Bagong Silangan.

Nabatid na naatasan si Serbito na gumiba sa matandang pader sa bahay ni Endaya subalit hindi inaasahang babagsakan ito ang  pader. Agad na itinakbo ni Endaya ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara din itong dead-on-arrival.

 

Show comments