^

Metro

Badjao, nangangaroling target ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nangako ng intensibong operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mawalis ang mga Badjao at pulubi na namamalimos sa kalsada ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ay makaraang dumagsa na sa Metro Manila ang mga miyembro ng tribong Badjao buhat sa Mindanao na namamalimos sa mga motorista at maging pagdami ng mga paslit na umaakyat sa mga sasak­yang pampubliko para mamasko sa mga pasahero.

Sinabi ng Street Dweller Care Unit (SDCU) ng MMDA na pinalakas nila ang kampanya ngayong panahon na ng Kapaskuhan. Sinabi ng pinuno nilang si Amante Salvador na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikakasang mga operasyon.

Nakabase ang kanilang kampanya sa Presidential Decree 1563 o Mendicancy Law of 1978 na nagsasaad na labag sa batas ang anumang uri ng pamamalimos sa kalsada maging ang pagbibigay ng limos.  Pa­ngunahing layunin ng batas ang maiwasan ang exploitation ng mga bata, at pagbibigay ng rehabilitasyon sa mga ito.

Umapela rin ito sa mga magulang ng mga bata na huwag namang hayaan ang kanilang anak sa pamama­limos dahil sa nalalantad sa panganib ang kanilang mga anak sa pagsampa-sampa sa mga sasakyan para manga­roling.

Nabatid na dumagsa na sa Metro Manila ang mga miyembro ng Tribong Badjao na bukod sa pamamalimos habang sa lungsod ng Maynila ay hindi mapigilan ng Manila Police District at ng lokal na DSWD ang mga batang sumasabit sa mga pampasaherong jeep para mangaroling sa mga pasahero.

Ipinagmalaki ni Salvador na nasa 148 taong kalye na ang kanilang nadampot sa lungsod ng Maynila at marami na ang nadala sa Boys Town nitong nakaraang linggo.

AMANTE SALVADOR

BADJAO

BOYS TOWN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KAPASKUHAN

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with