Binata pumalag sa holdap, kritikal

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata makaraang  saksakin nang pinalagan nitong holdaper sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Me­dical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Joselito Marcelino, 35, ng Quintos St., Brgy.  San Jose nasabing lungsod.

Naganap ang insi­dente  alas-4:00 ng madaling-araw habang ang biktima ay  naglalakad pauwi sa kanilang bahay nang harangin at tutukan ng patalim ng suspect sabay deklara ng holdap sa may M. Naval St., Brgy.  NBBS ng nasabing lungsod.

Nang kukunin na nang suspek ang cellphone ng biktima ay pumalag ang huli na naging dahilan upang magalit ang holdaper at inundayan ito ng saksak .

Bumagsak ang duguang  biktima at saka kinuha pa ng suspect maging ang pera nito sa bulsa bago tuluyang tumakas.

 

Show comments