Bangkay ng magbiyenan, natagpuan sa loob ng SUV
MANILA, Philippines - Natagpuan sa loob ng inabandonang sport utility vehicle (SUV) ang bangkay ng dalawang lalaki, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ng QC Police Detection Unit , ang mga biktima ay may mga sugat at marka sa katawan nang matagpuan ang mga biktima na lulan ng nakaparadang kulay grey na Honda CRV (XPB 777) sa may Brgy. Holy Spirit sa nabanggit na lungsod.
Nakilala ang mga nasawi, na sina Rodolfo Montalbo at Anthony Abraham, na sinasabing mag-biyenan, buhat sa Sta Maria, Bulacan.
Anya, ang naturang sasakyan na nakarehistro sa isang Angelito Niccolas ng Bulacan ay unang nadiskubre ng isa sa mga nakatira doon na nakaparada sa may kanto ng Cerilo at de Leon Sts. ganap na alas -7 ng gabi ng Huwebes.
Ayon kay QCPD-Station 6 commander SuperinÂtendent Eleazar Matta, ang dalawang biktima ay nakitang nakaupo sa likod na upuan ng SUV. Ang mga ito anya ay may sugat sa dibdib at balikat at marka ng pagkahiwa sa leeg.
- Latest