6-anyos lasog sa truck

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog  ang isang 6-anyos na batang babae matapos itong ma-hit-and-run at makaladkad  ng isang truck, kama­kalawa ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang nasawi na si Josephine Garganta,  ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South ng  naturang lungsod.

Inaalam pa ang pagka­kakilanlan ng driver ng puting Elf truck na may tatak sa bandang likuran na first dealer at  hindi nakuha ang plaka nito.

Base sa ulat ng Navotas City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente  alas-10:45 ng gabi habang naglalaro ang biktima sa gilid ng R-10, Brgy. NBBS ng naturang  lungsod nang mahagip at makaladkad  ito ng naturang truck.

Hindi huminto ang driver­ at tinangkang habulin ng mga nakasaksi, subalit tu­luyang nakalayo na ito.

Show comments