5 nadakip na bus robbery suspect, kinasuhan
MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso ang isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa limang suspect na responsable sa serye ng bus robbery holdup na nadakip nitong Sabado ng gabi sa Bulacan.
Ito ang sinabi kahapon ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano, sa isinagawang press conference matapos na iprisinta ang mga suspek na sina Roger Alaraz, 41; Ariel Andrales, 36; Aquilino Soriano, 52; Jeffrey Reyes, 25; at Bobby Bondoc, 36; pawang mga driver ng PUB at residente ng Bulacan.
Ayon kay Albano, kasong robbery, paglabag sa presidential degree 1866 o illegal possesion of firearms and amÂmunition; paglabag sa Republic act 9516 o unlawful possesion of explosives at paglabag sa Republic act 9165 o ang dangerous drug act of 2002 ang kinakaharap ng mga suspek.
Bunsod na rin anya ito sa mga ebidensyang nakuha sa mga suspek. Sinabi pa ni Albano, bukod sa lima, isa pang kasamahan nila na nakilalang si Tano Andrales, reÂsidente ng Paradise St., San Idelfonso, Bulacan, ang tinutugis ng kaÂnilang tropa dahil kabilang umano ito sa nangholdap sa isang pampasaherong bus sa EDSA.
Ang operasyon ay isinagawa kasunod ito nang pangÂhoholdap ng mga suspect sa isang Malanday Metro Link Passenger Bus at Cher passenger bus noong Nov. 30 sa kahabaan ng EDSA.
- Latest