^

Metro

Kelot patay sa tadtad ng bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraang tadtarin ng bala sa ulo at katawan ng isang suspect sa Commonwealth Avenue,  lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Joe Gagaza, may-hawak ng kaso, wala man lamang nakuha na anumang identification card (ID) sa katawan ng biktima kung kaya nahirapan silang tukuyin ang pagkakakilanlan nito, maliban sa 35-40, may taas na 5’5’’, may kaputian ang balat, nakasuot ng sando at maong pants.

Sa pagsisiyasat ni Gagaza, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa panulukan ng Villonco St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-11:55 ng gabi.

Base sa pahayag ng testigong si Lina Mancera, naghihintay umano ng masasakyan sa lugar ang biktima nang biglang sumulpot mula sa likuran nito ang suspect saka binaril ito sa ulo.

Nang duguang bumuwal sa semento ang biktima, hindi pa umano nakuntento ang suspect at nilapitan pa niya ang una, saka muling pinaputukan ng sunud-sunod sa ulo at katawan.

Nang maisakatuparan ng suspect ang pagpatay ay mabilis din itong naglakad patungong Commonwealth Avenue.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad sa crime scene, narekober sa insidente ang siyam na basyo mula sa kalibre .45 na baril at isang tingga.

vuukle comment

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

GAGAZA

JOE GAGAZA

LINA MANCERA

NANG

PATAY

QUEZON

VILLONCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with