Panibagong oil price hike, ipinatupad
MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa buong bansa dahil sa panibagong galaw umano ng presyo nito sa internasyunal na merkado.
Pawang nag-abiso ng pagtataas kahapon ang mga kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT, at Total Philippines na epektibo alas-6 kahapon ng umaga.
Magkakaparehong halaga ang itinaas ng mga kompanya kabilang ang 70 sentimos sa kada litro ng diesel at 45 senÂtimos sa kada litro sa presyo ng premium, regular at unleaded gasoline.
Hindi naman ginalaw ang presyo ng kerosene dahil sa umiiral pang “price freeze†dulot ng deklarasyon ng “national state of calamity†ng pamahalaan dahil sa bagyong Yolanda.
Wala pa namang anunsyo sa pagtataas ng halaga ng kanilang produkto ang Chevron Philippines at iba pang maliliit na kompanya ng langis ngunit inaasahan na susunod din ang mga ito sa panibagong price adjustment.
- Latest