^

Metro

3 obrero sugatan sa bumagsak na overhead road protector sa BGC

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong construction­ workers makaraang bagsakan ng overhead road protector sa kanilang ginagawang gusali kahapon ng hapon sa Global City Taguig.

Kapwa isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ang tatlong biktima matapos magtamo lamang ng bukol sa ulo, sugat at pasa sa ibat ibang parte ng katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga biktima­.

Base sa report ng Taguig City Police, naganap ang in­sidente ng ala-1:30 ng hapon sa 30th at 3rd St. The Fort, Global City ng nasabing lungsod.

Nabatid na abala umano sa pagtatrabaho ang mga biktima nang biglang bumagsak ang overhead road protector sa kanilang ginagawang Shangri-La Hotel.

Ang overhead road protector ay mistulang screen na gawa sa bakal at ikinakabit sa mga gina­gawang gusali upang hindi mabagsakan ang mga nagdadaang mga sasakyan at mga tao sa pedestrians­.

Dahil dito patuloy pa rin nagsasagawa ng masu­sing imbestigasyon ang mga awto­ridad upang matukoy kung sino ang respon­sable sa insidente.

 

GLOBAL CITY

GLOBAL CITY TAGUIG

MEDICAL CENTER

SHANGRI-LA HOTEL

SHY

ST. LUKE

ST. THE FORT

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with