MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong karnaper matapos masita dahil sa walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo sa Caloocan City kahapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Mark John Baello, 25; Niko Costales, 26, at Ronnie Flores, 26.
Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng madaÂling araw nang magsagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga pulis sa Santa Quiteria nang mapansin ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at walang suot na mga helmet.Imbes na huminto ay pinasibad ng mga ito ang motorsiklo dahilan upang habulin ang mga ito ng mga pulis hanggang sa maabutan.
Nakuhanan ng mga picklock ang mga suspek na gamit sa pagdistrungka ng mga iginition switch ng mga motorsiklo, Suzuki Smash na for registration na nakaÂpangalan kay RoÂnald CelisÂ, 39, ng Malabon City at Yamaha Mio Soul (2988-TH) na nakarehistro sa isang Joseph Lara, 35, ng Laon Nasa, Gagalangin, Tondo, Manila.
Base sa rekord ng puÂlisya, lumalabas na alas-12:30 kamakalawa ng madaling-araw nang harangin ng mga suspek dala ang Yamaha Mio si Celis sa Samson Road ng naturang lungsod at sapilitan tinaÂngay ang motorsiklo ng mga suspek.
Lumalabas na natangay naman ang Yamaha Mio ni Lara habang nakaparada sa Rodriguez St., Sangandaan ng Lungsod ala-1:30 ng madaling-araw noong Oktubre 24, 2013.