Sa Maynila at Malabon 2 parak patay sa tandem
MANILA, Philippines - Isang pulis-Maynila at isang pulis-Malabon ang kapwa nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspects sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga.
Sa Maynila, dead-on- the-spot ang biktimang si SPO4 Antonio Castillo, hepe ng anti-crime division ng MPD Station 11 sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo matapos na barilin nang malapitan ng suspects na tandem, habang ang una ay nagsasagawa ng clearing operation sa Ongpin St., sa Binondo, Maynila pasado alas-9 ng umaga kahapon.
Ayon kay MPD homicide chief, Senior Insp. Steve Casimiro, nakatayo sa Tambakan St. malapit sa lumang bumbero si Castillo nang tambangan ng mga suspect lulan ng motorsiklo.
Samantala, isang hindi natukoy na tindera ang tinamaan din ng ligaw na bala sa naganap na pamamaril.
Agad na nagpalabas ng P500,000 reward si Manila Mayor Joseph Estrada sa agarang ikadarakip ng suspect.
Inatasan din ni Estrada ang kapulisan na pag-araÂlang mabuti ang CCTV upang matukoy ang suspect.
Samantala sa MaÂlabon, patay din ang isang bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspects habang ang una ay bumibili ng kape kahapon ng umaga.
Dead on-the-spot ang biktimang si PO1 Felicisimo De Guia Jr., 39, nakaÂtalaga sa PCP 4 ng Malabon City Police at residente ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril.
Naganap ang insidente dakong alas-5:50 ng umaga sa kahabaan ng M. Naval St., Flores ng naturang lungsod habang bumibili ng kape ang biktima nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang una.
Sa ngayon ay nagsaÂsagawa pa ng masusing imbestigasyon ang MaÂlabon City Police hinggil sa insidente.
- Latest