BJMP officer, 1 pa tiklo sa panunutok ng baril
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 41-anyos na miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at isa pang kasamahan nito makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong panunutok ng baril ng isang kawani ng Quezon City Hall kahapon sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Quezon City PNP District director P/Chief Supt. Richard Albano, nakilala ang BJMP officers na si JO2 Sigfred Tabillas at kasama nitong si Rannie Salado, 26, mga nakatira sa Old Cabuyao Street, Barangay Sauyo sa nasabing lungsod.
Nabatid na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Federico Noveno ng Ilang Ilang Street, Pingkian sa Brgy. Pasong Tamo dahil sa panunutok ng baril ng mga suspek sa kahabaan ng Lily Street sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nanonood ng larong basketball ang biktima nang lapitan at tutukan ng baril ng mga suspek.
Agad namang tumawag ng pulis ang barangay kaya dinakma ng mga tauhan ni P/Supt. Michael Macapagal ang mga suspek.
Ayon pa kay Macapagal, matagal na umanong may alitan ang biktima at mga suspect dahil din sa larong basketball.
- Latest