14-anyos pinagalitan ng tatay, nagbigti

MANILA, Philippines - Patay ang isang  14-anyos na binatilyo matapos na magbigti sa loob ng ka­nilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa.

Batay sa imbestigasyon dakong alas- 4:45 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni  Agie dela Cruz, ng Eloriaga St. corner A. Francisco St. San Andres Bukid.

Natagpuan ng isang nagngangalang ‘Boboy’ ang bangkay ng biktima na  nakabigti ng  plastic straw.

Lumilitaw na naging malulungkutin ang  biktima nitong mga nakalipas na araw na napansin ng kanyang mga kaibigan.

Sinasabing napagalitan umano ng  kanyang ama si Agie na dinibdib nito kung kaya’t winakasan ang buhay.

Nabatid na nasa kustodiya ng kanyang ama ang biktima simula nang maghiwalay ang mga magulang nito.

Show comments