MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estudyante umano ng University of Santo Tomas (UST) ang nasawi nang tumalon mula sa ika-29 na palapag ng tinutuluyang condominium sa Taft Avenue, Malate, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Leonard Torres, nanunuluyan sa ika-23 palapag ng Kassel Condominuim sa Taft Avenue, malapit sa panulukan ng Vito Cruz St., sa Malate.
Bago umano tumalon ang biktima, namataan pa ito ng ilang residente na nakaupo sa gilid ng gusali sa ika-29 na palapag, bandang ala-1:45 ng hapon na kakaiba ang galaw.
Nang makarating sa administrator ng condo, tumawag umano ito ng saklolo at isang vendor sa gilid ng condo ang tumawag ng pulis, habang ang security guard naman ng gusali ay nakipagtulungan na rin sa pulisya. Gayunman, nakita na lamang na tumalon na ang biktima, na bumulusok at lumagpak sa bubong ng isang mababang gusali sa tabi lamang ng condo. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang isinuÂsulat ang balitang ito.