^

Metro

Away trapiko: Parak binoga ng siga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng pulisya ang sugatan nang barilin ng isang kilalang maton dahil lamang sa alitan sa trapiko sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si SPO1 Renato Corado, 51, na nakatalaga sa Quezon City Police District Logistics Division ay inoobserbahan ngayon sa ospital matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanyang likuran.

Tinutugis naman ng awtoridad ang suspect na nakilalang si Heson Bagalacsa ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches ma­tapos na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon kay PO1 Julius Raz, may hawak ng kaso, si Bagalacsa ay itinuturing na siga at trigger happy sa kanilang barangay dahil sa pagkakasangkot nito sa mga reklamo ng indiscri­minate firing.

Nangyari ang insidente ganap na alas-9 ng gabi sa  kahabaan ng Pugong Ginto St. sa lungsod.

Ayon sa ulat, minamaneho ni  Corado, residente sa Caloocan City ang kanyang Toyota Co­rolla (TRA-276) sa nasa­bing lugar sakay ang kanyang asawang si Rosa­linda habang ang suspect na sakay naman ng kanyang motorsiklo ay pasalubong sa biktima kung saan base sa mga testigo ay muntik nang magkabanggaan dahil sa makitid ang lugar.

Dahil nakaharang ang kotse ng biktima sa daraanan ng suspect nagalit ang huli. Pero nag­desisyon na ang biktima na paandarin ang kanyang sasakyan, kung saan hi­nabol siya ng suspect at pinaputukan ang likuran ng sedan sanhi para siya tamaan.

Agad na tumakas ang suspect, habang ang biktima ay isinugod naman ng kanyang asawa sa FEU hospital kung saan ito nakaratay.

AYON

CALOOCAN CITY

HESON BAGALACSA

JULIUS RAZ

PUGONG GINTO ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT LOGISTICS DIVISION

RENATO CORADO

SHY

TOYOTA CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with