Bonus ng mga opisyal ipinasasauli SSS sinugod uli ng protesters

MANILA, Philippines - Sinugod muli ng militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang main office ng Social Security System (SSS) sa East Avenue sa lungsod Quezon para ipanawagan na ibalik sa mga mang­gagawa ang P10 milyong bonus na laan sa mga opisyal ng naturang ahensiya.

Bilang pagkondena sa naturang bonus ay sinunog ng naturang grupo ang litrato ni SSS president and CEO Emilio de Quiros na may logo ng SSS.

“The SSS board is getting nothing but flak from SSS members and the public for deciding to  pocket P10 million from the fund. It is shameless in refusing to return the huge bonus to the SSS fund despite­ the mounting outrage,” pahayag ni  Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

Kaugnay nito, kinondena din ng KMU  ang pagdepensa pa anila ng Malakanyang sa usapin ng bonus ng mga SSS executives gayung dapat ay ang mga miyembro ang maki­nabang sa naturang pondo.

 

Show comments