Matadero nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na matadero ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, kamaka­lawa ng hapon sa  Tondo, Maynila. Kinilala ang nasawi­ na si Rodel Enriquez, stay-in meat butcher sa Vitas Compound Slaughter House sa Vitas, Tondo.

Batay sa pahayag  ng live-in partner ng biktima na si Esminda Escobar,37, nakita niyang umiinom ng alak si Enriquez bandang alas-5:30 ng hapon sa loob ng container van na ginawa nilang bahay sa nabanggit na lugar­. Dala marahil ng impluwensiya ng alak, pinaghi­hiwa ng biktima ang kanyang braso gamit ang isang blade.

Nakita ni Escobar ang ginagawa ng biktima kung kaya’t pinagbawalan  niya ito  subalit sa kanya pa nagalit  ang huli at saka siya pinalabas ng kanilang tirahan­. Matapos ang 15 minuto ay bumalik si Escobar at dito tumambad sa kanya ang live-in partner na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Inaalam pa ng pulisya ang  dahilan sa pagpapatiwakal.

Show comments