Most wanted sa CAMANAVA, arestado

MANILA, Philippines - Nadakip na kamaka­lawa ang  itinuturing na  number 1 most wanted cri­minal sa CAMANAVA) area at may patung sa ulo na P250,000 ma­ tapos na pagbabarilin at patayin nito ang isang mag-ama sa Valenzuela City noong 2010.

Sa isang follow-up operation na isinagawa ng Valenzuela City Police kinilala ang nadakip na si Pascual Bernardo Jr. “alias Ompong”, 45, na  nahaharap sa kasong double murder.

Sa rekord ng pulisya, pinagbabaril at napatay ng akusado ang mag-amang sina Ernesto, 65 at Edgardo Lunaria, 34 noong 2010 sa Brgy. Bignay ng naturang siyudad.

Nabatid na ang naturang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court Judge Emma C. Matamu, ng Branch 269, alas-6:45 ng gabi sa ha­rapan ng Davao City Airport at mula sa naturang siyudad ay isinakay ito ng mga pulis ng Cebu Pa­ cific at dinala sa Valenzuela City Police Station.

Show comments