^

Metro

Ilang U-turn slots, bubuwagin ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang aani ng maraming batikos buhat sa mga motorista ang plano ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagpapasara ng ilang ginagamit na mga “U-turn slots” sa ilang pa­ngunahing lansangan sa Kamaynilaan.

 Sa advisory na inilabas ng MMDA, uumpi­sahan ang pagbuwag sa mga “u-turn slots” sa darating na mga araw sa patuloy na paghahanap umano ng solusyon sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.

Kabilang dito ang u-turn slot sa Quezon Avenue sa pagitan ng Examiner at Scout Borromeo na permanente nang tatanggalin.

Isasara naman sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ang u-turn slot sa may C-5 Eastwood; at C-5 – Katipunan-Boni Serrano u-turn slot tuwing alas-7 hanggang alas-10 ng umaga.

 Aminado ang MMDA na maaaring ulanin sila ng reklamo ng mga mo­to­rista na nakasanayan nang gumamit ng naturang mga u-turn slot ngunit kailangan umanong gawin ito dahil sa nakikitang paraan para mapabilis ang daloy ng trapiko.

Samantala, papasukin na rin ng operasyon ng MMDA ang mga pampublikong palengke sa Metro Manila na pangu­nahing pinamamahalaan ng mga lokal na pamahalaan.  Ito ay sa paglulunsad ng “Healthy Palengke” project sa Dagonoy Public Market sa San Andres, Maynila.

Iginiit ng MMDA na ang proyekto ay sa bisa ng Administrative Order 341 na pinirmahan pa ni dating Pangulong Fidel Ramos noon pang 1997 na nagsasaad ng “multi-sectoral” na mga programa para sa kalusugan. 

Maglilinis umano ang mga tauhan ng Solid Waste Management Office, Metro Parkways Clearing Group at Flood Control and Sewerage Management office sa naturang palengke habang maglalagay din ng “mini-Materials Recovery Facility (MRF)” para hikayatin ang mga palengkero na mag-recycle ng mga basura.

ADMINISTRATIVE ORDER

DAGONOY PUBLIC MARKET

FLOOD CONTROL AND SEWERAGE MANAGEMENT

HEALTHY PALENGKE

KATIPUNAN-BONI SERRANO

MATERIALS RECOVERY FACILITY

METRO MANILA

METRO PARKWAYS CLEARING GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with