MANILA, Philippines - Natuluyan na sa ika-5 pagkakataon ang pagpapatiwakal ng isang 35-anÂyos na lalaki na siÂÂnasabing problemado nang sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner, na nag-iwan ng dalawang anak, na nadiskubreng nakabitin sa loob ng inuupahang bahay sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Melchor Lim, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik at residente ng no. 111 P. Ducos St., Quaipo, MayÂnila.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre banÂdang alas-3:00 ng hapon nitong Sabado ang walang buhay na nakabigting biktima, kaya nilagot ang lubid na ikinabit sa kisame ng kaÂnilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay.
Ayon sa inang si Virgina Samson, 50, dakong alas-7:00 ng umaga ay nakita pa niyang lumabas ng silid ang biktima.
Sa impormasyong ibiÂnigay ng kaanak, masyadong dinamdam ng biktima ang pakikipagtanan ng live-in partner sa ibang lalaki at naiwan lamang ang dalawa nilang anak.
Apat na beses na umano ang tangkang pagpapakamatay ng biktima na napigilan ng kapatid na si Eduardo, subalit nitong huli ay hindi na nila natunugan.