Arabo pinagnakawan ng ‘pokpok’

MANILA, Philippines - Bukod sa pagiging ‘pokpok’, pinagnakawan din ng isang pick-up girl ang isang Arabian na kanyang na­ging customer kahapon ng umaga sa  Ermita, Maynila.

Laking pagsisisi ni  Abdulrahman Mohammed Aloraini Abdukasis, 26, nanunuluyan sa 603 Pacific Place na mata­tagpuan sa no. 539 Arquiza St., Ermita, Maynila, nang matuklasan ang nawawala niyang gamit matapos ang panandaliang aliw.

Sa reklamo ni Abdukasis, sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section, nakilala niya ang suspect sa pangalang Maybeline Tamano  na umano’y taga Pasay City.

Nakuha kay Abdukasis ang kanyang Iphone at cash na 415 Riyal (P4,798.39) sa tinutuluyang hotel.

Nagkasundo umano sila ng suspect na magpalipas ng magdamag sa kaniyang tinutuluyang hotel subalit napahimbing umano siya ng tulog at di namalayan na ninakawan siya ng lumisang suspect.

Alas 9:00 ng umaga kahapon nang hindi niya na magisnan ang suspect at nadiskubreng wala na rin ang kanyang cell phone at cash.

Show comments