MANILA, Philippines - Sinampahan na ng patung-patong na kaso sa Department of Justice ng Task Force Kae ang anim na suspek na sangkot sa brutal na pamamaslang sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes, kahapon ng madaling-araw.
Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang isampa ang mga kasong robbery with homicide at qualified carnapping sa mga suspek na sina Samuel Decimo, Reggie “Jojo†Diel, Lloyd Benedict Enriquez at sa mga nakakalaya pang suspek na sina Jomar Pepito, Baser Minalang at Kelvin Jorec Evangelista.
Tinanggap ni Prosecution Atty. Omar Casino, ng National Prosecution Service, ang mga isinampang kaso kahit na dis-oras ng gabi upang maiwasan na makasuhan ng illegal detention ang pulisya at NBI.
Tumayong complainant naman sa kaÂnilang isinampang kaso ang tiyuhin ni Kae na si Vincent Davantes na siya rin tumatayong guardian ng biktima.
Inimbitahan naman ni TF Kae head, Chief Supt. Christopher Laxa ang NBI para sa isaÂsagawang “case conference†sa kaso upang mapag-isa nila ang kanilang mga detalye at ebidensya upang lalong mapalakas ang kaso laban sa mga suspek.
Isasailalim naman sa DNA test ang tatlong nadakip na mga suspek upang maÂitugma ang nakuhang dugo sa kotse ni DaÂvantes para magamit na ebidensya sa kaso.