Koreana ninakawan na, pinatay pa
MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang negosyanteng Koreana sa loob ng kanyang condominium unit sa Pasay City na hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa mukha ng hindi pa nakikilalang salarin.
Kinilala ni SPO3 Ronaldo Prades ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay police ang biktima na si Jin Young Jun, tubong-Seoul, Korea at may-ari ng Dream TNE Travel Agency na may tanggapan din sa kanyang tirahan sa Unit 301 Clinnan Court Building, 2205 P. Burgos St., corner Villanueva St., ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakasuot si Jin ng mini-skirt at itim na t-shirt at may malalim na sugat sa mukha nang matagpuan sa loob ng kanyang condo unit dakong alas-9:45 ng gabi.
Sa imbestigasyon, huÂmingi ng saklolo sa Pasay Police ang kapatid na lalaki ng biktima na si Kang III Jung, 38, nakatira sa Summit Point Gold and Country Club sa Lipa City, Batangas makaraang hindi sumaÂsagot sa cellular phone ang kapatid na babae.
Ayon kay Kang, dakong alas-6:15 ng gabi nang una niyang tawagan ang biktima ngunit sinabihan siya na tumawag na lang uli dahil sa may kausap siyang bisita na babae. Nang muling tawagan, hindi na ito sumasagot sa kabila ng paulit-ulit na pag-ring ng telepono. Tumawag naman siya sa landline nito ngunit “out of service†naman. Dito na ito humingi ng saklolo sa kaÂibigang si Jae Seok Moon na nasa Maynila na pinakiÂusapan niyang tingnan ang kalagayan ng kapatid.
Nang dumating si Jae sa unit ng biktima, kasama ang isa pang Koreano na si Young Ho Cho at mga pulis ay doon na nadiskubre ang bangkay na nasa loob ng banyo.
Sa pagsisiyasat naman ng mga imbestigador, nakita ang nagkalat na dugo sa master’s bedroom na tanda na nanlaban ang biktima. Nakabukas at wala na ring laman ang kaha de yero ng biktima na tanda na pagnanakaw ang pakay ng mga salarin.
Hiniling na rin ng pulisya sa building administrator na bigyan sila ng kopya ng kuha ng close circuit teleÂvision (CCTV) camera na nakakabit sa condominium upang masuri kung sino ang mga huling bisita ng biktima bago matagpuan ang bangkay nito.
- Latest