Benhur Luy ‘no show’ sa piskalya

MANILA, Philippines - Hindi na lumantad sa  pag­dinig ng piskalya sa Maynila  ang pangunahing testigo sa P10-B pork barrel fund scam na si Benhur Luy.

Dahil dito, sinabi ni Manila­ Assistant Prose­cutor Philger Noel Inovejas na ikinokonsi­dera nilang submitted for re­solution na ang kasong per­jury na isinampa ng itinuturong pork barrel queen Janet Lim Napoles laban kay Luy at iba pang whistle blowers.

Noong nakaraang Bi­yerne­s, nagsumite  ng reply­ affidavit  ang kampo ni Janet Lim-Napoles sa pamamagitan ng kanyang mga abugado na sina Atty. Tristan Zoleta at Atty. Takahiro­ Aman. 

Nabatid na tatlong magkakahiwalay na kasong perjury ang isinampa ni Napoles laban kay Benhur Luy; Merlina Sunias, Arturo­ ­at Gertrudes Luy, mga magulang ni Benhur at mga kapatid na sina Arthur at Annabelle.

Ang perjury case ay isinampa ni Napoles laban kay Luy at iba pang whistle blowers dahil sa bintang ng mga ito hinggil sa serious­ illegal detention.

Show comments