Abogado ni lintang bidol 2 ulit hinimatay: Pagdinig sa kasong electoral sabotage ni GMA, ipinagpaliban
CEBU, Philippines - Ipinagpaliban kahapon ng Pasay City ReÂgional Trial Court ang pagdinig hinggil sa kasong electoral sabotage na kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos himatayin ng dalawang beses ang isa sa mga abogado ni daÂting Maguindanao election supervisor Lintang Bidol, na kabilang sa mga akusado.
Ayon sa tagapagsalita ng tanggapan ni Judge Jesus Mupas, ng Branch 112, Pasay RTC na si Felda Domingo, bago pa maganap ang pagdinig dakong alas-9:30 kahapon ng umaga ay nakaramdam na nang pagkahilo si Atty. Reynaldo Princesa.
Hindi nagtagal ay tuluyan na itong hinimatay kung kaya’t kaagad na tumawag ng rescue team ang pamunuan ng naturang korte upang suriin ang naturang abogado ni Bidol. Dahil sa insidente ay naghain na lamang ng joint manifestation ang magkabilang panig na ipagpaliban na lamang ang pagdinig.
“Dapat sana sa OkÂtubre 24 ang schedule pero dahil natapat na ito sa barangay election, napagkasunduan na lamang ng magkabilang panig na ituloy na lang ang trial sa Nobyembre 7 at 14 dakong alas-9:30 ng umaga,†pahayag ni Domingo.
- Latest