PDEA hihiling ng hazard pay para sa personnel
MANILA, Philippines - Dahil sa madalas na nasusuong sa mga panganib at naapektuhan ang kalusugan sa tuwing nagsasagawa ng anti-illegal drug operations.
Ipapanukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakaloob ng hazard pay sa kanilang personnel na direktang nae-expose sa iba’t ibang paÂnganib, gayundin sa panganib sa kalusugan habang nagsaÂsagawa ng anti-illegal drug operations.
“The hazard pay is an initiative that will boost morale and increase productivity and efficiency of PDEA operatives and personnel,†sabi ni PDEA Director General UndersecÂretary Arturo G. Cacdac, Jr.
Sinabi ni Cacdac na ang kahilingan ng ahensya sa tanggapan ng Pangulo para sa pag-iisyu ng executive order na pagpapahinÂtulot sa hazard pay para sa 1,285 deserving PDEA personnel ay nangangailaÂngan ng annual allocation na P180,846,596.00.
Ang mga sumusunod na inirekomenda ng PDEA perÂsonnel na maaring magkaroon ng hazard pay ay ang Directors;Intelligence OfÂficers, Investigation Agents; Security Officers and Special Investigators; Animal handlersÂ; Chemists; Laboratory Technicians at Aides;Prison Guards; Dangerous Drugs Regulation Officers; at Legal Officers.
Nang mabuo ang PDEA noong 2002, ang mga personnel ng PDEA ay nakaranas na ng panganib sa kanilang trabaho kahit kamatayan, kung saan pitong operatiba ang nasawi sa pagkilos; 31 ang sugatan; 25 ang nasaÂsaktan; at 110 ang nakaranas ng pagbabanta sa buhay.
“Based on the records of our casualties and injured personnel and the inherent risks involved, it is but proper that PDEA personnel deserve to be granted hazard pay,†dagdag pa nito.
Sabi pa ni Cacdac, ang mga personnel ng iba pang government agencies na gumagawa ng mapanganib na tungkulin tulad ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Health (DOH) ay nabigyan na ng hazard pay dahil sa klase ng kanilang mga trabaho.
- Latest