MANILA, Philippines - Isang fetus at sanggol ang natagpuan kahapon sa magkahiwalay na lugar sa Pasay at Navotas City.
Sa bunton ng basura nakita dakong alas-8 ng umaga ang fetus sa harapan ng isang bahay sa Tramo St. ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong ng Station Investigation and DeÂtective Management Section (SIDMS), isang basurero ang nakadiskubre sa fetus na binalot lamang ng isang tela na mukhang basahan.
Laking gulat nito nang tumambad sa kanya. PoÂsible umano na may hilot sa naturang lugar na siyang nagsasagawa ng paglalaglag ng sanggol at nagpapabayad sa mga ina na ayaw pang magkaanak.
Samantala, nakasilid naman sa loob ng isang itim na shoulder bag ang sanggol na natagpuan kamakaÂlawa sa Navotas City dakong alas-4 ng hapon sa Riverside, Galunggong St., Bgy. North Bay Boulevard South.
Ayon kay Ronald Losloso, 19, napansin niya ang bag kung kaya’t kaagad niya itong tiÂningnan at laking gulat nito nang makita ang bangkay ng sanggol na babae.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng mga pulisya upang matukoy kung sino ang nagtapon sa dalawang fetus.