MANILA, Philippines - Arestado ang lima katao kabilang ang dalawang menor-de-edad na umano’y miyembro ng Laslas-tenga Gang matapos ang isang surveillance na ginawa ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA).
Kasalukuyang nakakulong sina Larry Santiago, 30; Ruth Mendoza, 21; Virgilio Bernardono, 52; at dalawa pang kabataan na nakapiit naman sa City Social Welfare Development.
Ayon kay Chief Insp. BerÂnabe Irinco, Jr., hepe ng MASA, matagal na silang nakakatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y nagaganap na paglalaslas ng hikaw ng mga suspect sa mga pasahero ng jeep sa kahabaan ng Recto Ave.
Bunsod nito, agad silang nagsagawa ng surveillance sa kahabaan ng Recto at Avenida kasabay ng pagÂdakip sa mga suspect kung saan nakita sa surveillance camera ang pambibiktima ng dalawang menor-de-edad sa mga paÂsahero hanggang sa pag-abot ng mga ito ng kanilang pinitas kay Santiago o mas kilalang ‘Blonde’.
Sasampahan ng kasong robbery snatching sina Santiago at Mendoza habang anti-Âfencing naman si BernarÂdono.