^

Metro

Misis, 2 anak na-suffocate: Negosyante natusta sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Beyond recognition’ dahil sa pagkatusta ang katawan ng isang negosyante nang ma-trap sa nasusunog na gusali ng kanilang tahanan, habang na-suffocate naman at nagtamo ng kaunting sugat ang kanyang misis at dalawang anak, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling- araw.

Sa ulat ni SFO3 John Joseph Jalique, Arson investigator ng Manila Fire Bureau, patay ang biktimang  si Andrew Tang,57, habang ligtas naman ang maybahay nitong si Kristine, 47;  at mga anak na  sina Kelvin, 19; at Aldrin, 20, pawang residente ng nasunog na #2512 Leonor Ri­vera  St. Sta. Cruz, Maynila, ma­tapos dalhin sa Chinese General Hospital.

Ayon kay Kristine, posibleng ang nakabukas na Rota-aire electric fan na gamit sa pampatuyo ng mga nilabhang damit sa ika-2 palapag ang na­ging dahilan ng  sunog matapos na mag-over heat ito.

Nabatid na natu­tu­log ang pamilya  nang magsimulang sumiklab ang apoy at nang marinig ni Andrew ang fire alarm sa gusali ay bumaba ito upang tingnan subalit na-trap ito sa kapal ng usok at apoy sa daraanan.

Bandang alas-2:57 ng madaling-araw at umabot sa ika-apat na alarma bago naapula dakong alas-3:44.

Naisalba naman ang mag-iina na kamuntik nang ma-trap sa sunog, nang mabuksan ng mga bumbero ang nakakandadong fire exit.

Tinatayang P1-mil­yong halaga ng ari-arian ang natupok.

ANDREW TANG

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

JOHN JOSEPH JALIQUE

KRISTINE

LEONOR RI

MANILA FIRE BUREAU

MAYNILA

ST. STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with