Gawad Pinoy Consumers Cooperative, pinaiimbestigahan ng NFA sa NBI

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng National Food Authority (NFA) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang grupong Gawad Pinoy Consumers Cooperative kung may kina­laman ito sa isyu ng rice shortage sa bansa.

Ayon kay  director Rex Estopere, information head ng NFA, ang hakbang ay ginawa matapos na matukoy na ang grupo ang umano’y nanloko sa libu-libong tao na nagtungo sa may Commonwealth market sa QC at magdagsaan doon ang mga tao para palabasing may kakulangan sa suplay ng bigas sa merkado.

Anya, labis nilang ipinagtataka kung bakit natutuwa na ngayon ang Gawad Pinoy sa ikinakasang imbestigasyon ng Kongreso, gayung ang grupong ito umano ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagoyo nito noong nakaraang araw sa Commonwealth.

Sinasabing ang Gawad Pinoy ay pinangungunahan ng isang Atty. Ariel Genaro Jawid. Sinabi ni Estoperez na may hawak silang mga ebidensiya na handang isumite sa NBI para patotohanan ang kanilang alegasyon.

 

Show comments