^

Metro

20% komisyon ng MTPB, pulis ipinagkaloob ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng kampanya nina Manila Mayor  Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na matanggal ang korupsiyon, sinimulan na kama­kalawa ng mga ito ang pagkakaloob ng 20% komisyon ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Traffic Police mula sa nakolektang mga traffic violations fines (TVF).

Ayon kay MTPB Director Carter Don Logica, nanguna sa nakakuha ng kanyang komisyon sina PO3 Francisco Amponin na umaabot sa  P19,625.00 na indikasyon na marami itong bilang na nahuli na sinundan naman ni SPO4 Marinda Aristides na P13,540.00, kapwa ng Manila Traffic at Crisanto Malicsi, MTPB enforcer, na nakakuha ng kanyang share na P13, 390.

Sinabi ni Logica na ang  20% komisyon ay  legal­ batay sa ordinansa na ipinatutupad sa ilalim ng  Traffic Management Code.

Paliwanag naman ni Estrada, ito ang kanyang naisip na paraan upang doblehin ng mga traffic cops ang kanilang sipag sa panghuhuli sa mga traffic violators at maiwasan ang pangongotong.

Ang 20% share na ipinamigay ni Erap ay mula sa kabuuang nakolektang P3,563,975.00 simula pa noong Hulyo sa Lungsod ng Maynila.

 

CRISANTO MALICSI

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

FRANCISCO AMPONIN

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

MANILA TRAFFIC

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA TRAFFIC POLICE

MARINDA ARISTIDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with