Trader na nagpuslit ng submarine kinasuhan
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ng BuÂreau of Customs (BOC) ang isang negosyante nang tangkain nitong ipuslit ang isang submarino mula bansang Korea.
Ayon kay Custom Commissioner Ruffy BiaÂzon, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 2503 ng tariff and Customs Code of the Philippines at ArÂticle 172 ng Revised Penal Code, ang kahaharapin si RoÂberto Navarra at ang kanyang licenced customs broker na si Lucman Calbe Jr. sa maÂling deklarasyon sa kaÂnilang kargamento.
Idineklara nilang mga bahagi ng motor at accessories ang hiwa-hiwalay na bahagi ng isang recreaÂtional submarine na nagkakahalaga ng P5 milyon na mula pa sa Korea.
Nabatid na dumating ang kargamento na “complete knockdown†na isiniksik sa isang 15 ft container noong MarsÂo 12, 2013 sa Manila International Container Port at nakapangalan sa Dionysus Trading na pag-aari ni Navarra.
- Latest